Font Size
2 Pedro 3:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Pedro 3:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Ngunit(A) ang Araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala.[a] 11 At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos 12 habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang dumating agad ang araw na ang kalangitan ay matutupok at ang mga bagay na naroroon ay matutunaw sa matinding init.
Read full chapterFootnotes
- 10 mawawala: Sa ibang manuskrito'y matutupok. Sa iba nama'y malalantad.