Add parallel Print Page Options

10 Ang araw ng Panginoon ay darating na tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang mawawala ang kalangitan na may nakakapangilabot na ugong. Masusunog ang lupa[a], at mawawala ang lahat ng nasa lupa. 11 Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at makadios, 12 habang hinihintay nʼyo ang araw ng pagdating ng Dios at ginagawa ang makakayanan nʼyo para mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masusunog ang langit sa apoy at matutunaw ang lahat ng nasa lupa sa tindi ng init.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:10 Masusunog ang lupa: Nakasulat sa Griego na ang mga elemento ay mawawala sa pamamagitan ng pagsunog. Ang ibig sabihin nito ay masusunog ang lupa, at mawawala ang lahat ng nasa lupa.