Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat hindi pinaligtas ng Diyos ang mga anghel na nagkasala subalit sila ay ibinulid sa kailaliman at tinani­kalaan ng kadiliman upang ilaan para sa paghuhukom. Gayundin naman hindi rin pinaligtas ng Diyos ang sanlibutan noong unang panahon kundi ginunaw niya ito dahil sa hindi pagkilala sa Diyos. Ngunit iningatan niya si Noe na taga­pangaral ng katuwiran na kasama ng pitong iba pa. Nang ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora ay natupok ng apoy, hinatulan sila ng matinding pagkalipol upang maging halim­bawa sa mga mamumuhay nang masama.

Read full chapter