Add parallel Print Page Options

20 Sapagkat kung nakatakas na sa kasamaan ng sanlibutan ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas, ngunit muli silang maakit sa dating masamang gawain at tuluyang mahulog dito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati. 21 Mabuti pang hindi na nila nalaman ang daang matuwid, kaysa pagkatapos malaman ang banal na utos na itinuro sa kanila ay talikuran nila ito. 22 Ang(A) nangyari sa kanila ay nagpapatunay na totoo ang mga kasabihang:

“Ang aso pagkatapos sumuka
    ay muling kinakain ang nailuwa na,”

at,

“Ang baboy na pinaliguan
    ay bumabalik sa putikan.”

Read full chapter