Add parallel Print Page Options

15 Iniwan nila ang tamang daan at sila ay naligaw nang sundan nila ang daan ni Balaam na anak ni Besor. Inibig ni Balaam ang kabayaran sa paggawa ng kalikuan. 16 Kayat siya ay sinaway sa kaniyang pagsalangsang at isang asnong pipi, na nagsalita ng tinig ng tao, ang siyang nagbawal sa kahangalan ng propeta.

17 Ang mga bulaang gurong ito ay tulad ng bukal na walang tubig at mga ulap na itinataboy ng unos. Inilaan na sa kanila ang pusikit na kadiliman magpakailanman.

Read full chapter