Font Size
2 Pedro 2:15-17
Ang Biblia, 2001
2 Pedro 2:15-17
Ang Biblia, 2001
15 Iniwan(A) nila ang daang matuwid at naligaw sila, palibhasa'y sumunod sa daan ni Balaam na anak ni Beor,[a] na umibig sa kabayaran ng kalikuan.
16 Ngunit siya'y sinaway sa kanyang sariling pagsuway; isang asnong hindi makapagsalita ang nagsalita sa tinig ng tao at pinigil ang kabaliwan ng propeta.
17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, mga ulap na tinatangay ng unos. Sa kanila'y inilaan ang pusikit na kadiliman.
Read full chapterFootnotes
- 2 Pedro 2:15 Sa Griyego ay Buzor .