Add parallel Print Page Options

12 Ang mga taong ito ay parang maiilap na hayop na hindi makapangatuwiran, na ipinanganak upang hulihin at patayin. Nilalait nila maging ang mga bagay na hindi nila nalalaman. Sila ay lubusang mapapahamak sa kanilang kabulukan.

13 Tatanggapin nila ang kabayaran sa ginagawa nilang kali­kuan. Inaari nilang kaligayahan ang labis na pagpapa­kalayaw kahit na araw. Sila ay tulad ng mga dungis at batik kapag sila ay nakikisalo sa inyo samantalang sila ay labis na nagpapa­kalayaw sa kanilang pandaraya. 14 Ang mata nila ay puspos ng pangangalunya. Wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan. Inaakit nila ang hindi matatag ang pag-iisip. Nasanay ang kanilang puso sa kasakiman. Sila ay mga taong isinumpa.

Read full chapter