Add parallel Print Page Options

11 Ang mga anghel na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi humahatol na may panlalait laban sa kanila sa harapan ng Panginoon. 12 Ang mga taong ito ay parang maiilap na hayop na hindi makapangatuwiran, na ipinanganak upang hulihin at patayin. Nilalait nila maging ang mga bagay na hindi nila nalalaman. Sila ay lubusang mapapahamak sa kanilang kabulukan.

13 Tatanggapin nila ang kabayaran sa ginagawa nilang kali­kuan. Inaari nilang kaligayahan ang labis na pagpapa­kalayaw kahit na araw. Sila ay tulad ng mga dungis at batik kapag sila ay nakikisalo sa inyo samantalang sila ay labis na nagpapa­kalayaw sa kanilang pandaraya.

Read full chapter