Add parallel Print Page Options

At siya'y tumindig at pumasok sa bahay, at kaniyang ibinuhos ang langis sa kaniyang ulo, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Aking pinahiran ka upang maging hari sa bayan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y sa Israel.

At iyong sasaktan ang sangbahayan ni Achab na iyong panginoon, upang aking ipaghiganti ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat na lingkod ng Panginoon (A)sa kamay ni Jezabel.

Sapagka't ang buong sangbahayan ni Achab ay malilipol: at aking ihihiwalay (B)kay Achab ang bawa't batang lalake, at ang nakulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel.

Read full chapter