Font Size
2 Mga Hari 9:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 9:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Si(A) Jezebel ay lalapain ng mga aso sa kaparangan ng Jezreel at walang maglilibing sa kanya.” Pagkasabi nito, dali-daling umalis ang kabataang propeta.
11 Nang bumalik si Jehu sa kanyang mga kasamahan, tinanong siya ng mga ito, “Ano ang nangyari? Anong kailangan sa iyo ng luku-lukong iyon?”
Sinabi niya, “Alam na ninyo kung anong gusto ng luku-lukong iyon.”
12 “Ano nga ang sinabi niya?” tanong nila.
At sinabi niya, “Ganito ang sabi niya: ‘Inutusan ako ni Yahweh na buhusan kita ng langis upang ika'y maging hari ng Israel.’”
Read full chapter