Add parallel Print Page Options

10 Lalapain(A) ng mga aso si Jezebel sa nasasakupan ng Jezreel, at walang maglilibing sa kanya.” Pagkatapos ay kanyang binuksan ang pintuan, at tumakas.

11 Nang lumabas si Jehu patungo sa mga lingkod ng kanyang panginoon, kanilang sinabi sa kanya, “Lahat ba'y mabuti? Bakit naparito ang ulol na taong ito sa iyo?” At sinabi niya sa kanila, “Kilala ninyo ang lalaki at ang kanyang pananalita.”

12 Kanilang sinabi, “Ito'y isang kasinungalingan, sabihin mo sa amin ngayon.” At kanyang sinabi, “Ganito lamang ang sinabi niya sa akin: ‘Ganito at ganito ang sabi ng Panginoon, Binuhusan kita ng langis upang maging hari sa Israel.’”

Read full chapter