Font Size
2 Mga Hari 7:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 7:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Sinabi ni Eliseo, “Makinig kayo sa ipinapasabi ni Yahweh: ‘Bukas sa ganitong oras, sa may pagpasok ng Samaria ay makakabili ka na ng isang takal[a] na pinong harina o dalawang takal na sebada sa halagang isang pirasong pilak.’”
2 Sinabi ng opisyal na kanang kamay ng hari, “Hindi magkakatotoo iyang sinasabi mo kahit pa buksan ni Yahweh ang mga bintana ng langit.”
Sinabi naman ni Eliseo, “Makikita mong ito'y mangyayari bukas ngunit hindi mo ito matitikman.”
Umalis ang Hukbo ng Siria
3 May apat na taong may sakit sa balat na parang ketong noon sa may pasukan ng lunsod. Nag-usap-usap sila, “Bakit nakaupo tayo rito at naghihintay na lang ng kamatayan?
Read full chapterFootnotes
- 1 TAKAL: Ang takalang ito ay maaaring maglaman ng mahigit na pitong litro.