Add parallel Print Page Options

21 At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo, nang makita niya sila, (A)Ama ko, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila?

22 At siya'y sumagot. Huwag mong sasaktan sila; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog? (B)maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila, upang kanilang makain at mainom, at magsiparoon sa kanilang panginoon.

23 At ipinaghanda niya ng malaking pagkain sila: at nang sila'y makakain at makainom, kaniyang pinayaon sila, at sila'y nagsiparoon sa kanilang panginoon. At ang (C)pulutong ng Siria ay hindi na naparoon pa sa lupain ng Israel.

Read full chapter