Font Size
2 Mga Hari 3:12-14
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 3:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Sinabi ni Jehoshafat, “Siya ay tunay na propeta ni Yahweh.” At ang tatlong hari ay pumunta kay Eliseo.
13 Tinanong ni Eliseo ang hari ng Israel, “Bakit sa akin kayo lumalapit at hindi sa mga propetang nilapitan ng inyong ama't ina?”
“Sapagkat kaming tatlo'y pinagsama-sama ni Yahweh upang ibigay sa kamay ng mga Moabita,” sagot ng hari.
14 Sinabi ni Eliseo, “Saksi si Yahweh, ang buháy na Makapangyarihan sa lahat, na siyang aking pinaglilingkuran.[a] Kung hindi lang dahil kay Haring Jehoshafat ng Juda, ni hindi kita papansinin.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 3:14 Saksi si Yahweh…pinaglilingkuran: o kaya'y Hangga't si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na aking pinaglilingkuran ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.