Font Size
2 Mga Hari 3:1-3
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 3:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Digmaan ng Israel at Moab
3 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, si Joram[a] namang anak ni Ahab ay nagsimulang maghari sa Israel. Labindalawang taon siyang naghari sa Samaria, ang kabisera ng Israel. 2 Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Subalit hindi siya naging kasinsama ng kanyang ama o ng kanyang ina na si Jezebel sapagkat ipinaalis niya ang rebulto ni Baal na ipinagawa ng kanyang ama. 3 Ngunit tulad ni Haring Jeroboam na anak ni Nebat, si Joram[b] ay naging dahilan din upang magkasala ang Israel at hindi niya ito pinagsisihan.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 3:1 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay ng pangalang ito.
- 2 Mga Hari 3:3 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay ng pangalang ito.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.