2 Mga Hari 23:25-27
Ang Biblia (1978)
25 (A)At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya, na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng (B)buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya.
26 Gayon ma'y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pagiinit, na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda, dahil sa lahat na (C)pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya.
27 At sinabi ng Panginoon, Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin, (D)gaya ng aking pagaalis sa Israel, at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili, sa makatuwid baga'y ang Jerusalem, at ang bahay na aking pinagsabihan. Ang pangalan ko'y doroon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978