Font Size
2 Mga Hari 22:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 22:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Naging kalugud-lugod siya kay Yahweh sapagkat sinundan niya ang halimbawa ng ninuno niyang si David na buong katapatang sumunod sa mga utos ng Diyos.
Natagpuan ang Aklat ng Kautusan(A)
3 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias, inutusan niya ang kalihim niyang si Safan na anak ni Azalias at apo ni Mesulam na pumunta sa Templo. Ang utos niya, 4 “Pumunta ka kay Hilkias na pinakapunong pari at alamin mo kung magkano na ang salapi sa kabang-yaman na nalilikom ng mga bantay-pintuan.
Read full chapter