Font Size
2 Mga Hari 19:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 19:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Muling Nagbanta ang Hari ng Asiria(A)
8 Umuwi na ang opisyal ng Asiria nang mabalitaan niya na umalis na sa Laquis ang hari ng Asiria. Nang siya'y makabalik, nadatnan niya na sinasalakay nito ang Libna. 9 Dumating noon ang balita sa hari ng Asiria na sila'y lulusubin ni Haring Tirhaka ng Etiopia kaya nagsugo siya uli kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: 10 “Huwag mo nang dayain ang iyong sarili na sa pamamagitan ng pananalig mo sa iyong Diyos ay maliligtas ang Jerusalem sa kamay ng hari ng Asiria.
Read full chapter