Font Size
2 Mga Hari 18:4-6
Ang Biblia, 2001
2 Mga Hari 18:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Kanyang(A) inalis ang matataas na dako, winasak ang mga haligi, at ibinagsak ang mga sagradong poste.[a] Kanyang pinagputul-putol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises, sapagkat hanggang sa mga araw na iyon ay pinagsusunugan ito ng insenso ng mga anak ni Israel; ito ay tinawag na Nehustan.
5 Siya'y nagtiwala sa Panginoong Diyos ng Israel at walang naging gaya niya sa lahat ng mga hari ng Juda pagkatapos niya o maging sa mga nauna sa kanya.
6 Sapagkat siya'y humawak nang mahigpit sa Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa pagsunod sa kanya, kundi iningatan ang kanyang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 18:4 Sa Hebreo ay Ashera .