Add parallel Print Page Options

14 At si Ezechias na hari sa Juda ay nagsugo sa hari sa Asiria sa (A)Lachis, na nagsasabi, Ako'y nagkasala; talikdan mo ako: ang iyong ipabayad sa akin ay aking babayaran. At siningil ng hari sa Asiria si Ezechias na hari sa Juda ng (B)tatlong daang talentong pilak at tatlong pung talentong ginto.

15 At ibinigay ni Ezechias ang (C)lahat na pilak na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari.

16 Nang panahong yaon ay inihiwalay ni Ezechias ang ginto sa mga pintuan ng templo ng Panginoon, at sa mga haligi na binalutan ni Ezechias na hari sa Juda, at ibinigay sa hari sa Asiria.

17 (D)At sinugo ng hari sa Asiria si (E)Thartan at si Rab-saris, at si Rabsaces, sa haring kay Ezechias na mula sa Lachis na may malaking hukbo sa Jerusalem. At sila'y nagsiahon at nagsiparoon sa Jerusalem. At nang sila'y mangakaahon, sila'y nagsiparoon at nagsitayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng mataas na tipunan ng tubig (F)na nasa lansangan sa parang ng tagapagpaputi ng kayo.

Read full chapter