Add parallel Print Page Options

(A)Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain, at umahon sa Samaria, at kinulong na tatlong taon.

(B)Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at (C)dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng (D)Gozan, at sa mga bayan ng mga (E)Medo.

Sa panahon ng pagkakabihag.

At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.

Read full chapter