2 Mga Hari 15
Ang Biblia (1978)
Si Azarias ay naghari sa Juda.
15 Nang ikadalawangpu't pitong taon ni Jeroboam na hari sa Israel (A)ay nagpasimulang maghari si (B)Azarias na anak ni Amasias na hari sa Juda.
2 May labing anim na taon siya nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecolia na taga Jerusalem.
3 (C)At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.
4 (D)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
5 At (E)sinaktan ng Panginoon ang hari, na anopa't siya'y nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan na (F)bukod sa bahay. At si Jotham na anak ng hari ay nasa pamamahala ng sangbahayan na humahatol sa bayan ng lupain.
6 Ang iba nga sa mga gawa ni Azarias, at ang lahat ng kaniyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
7 At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Jotham (G)na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Ang paghahari ni Zacharias, Sallum, Manahem, Pekaia, at Peka sa Israel.
8 Nang ikatatlongpu't walong taon ni Azarias na hari sa Juda, ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan.
9 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.
10 At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya, at (H)sinaktan siya sa harap ng bayan, at pinatay siya, at naghari na kahalili niya.
11 Ang iba nga sa mga gawa ni Zacharias, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
12 Ito ang (I)salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Jehu, na sinasabi, Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel. At gayon ang nangyari.
13 Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu't siyam na taon ni (J)Uzzia na hari sa Juda; at siya'y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria.
14 At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa (K)Thirza, at naparoon sa Samaria, at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya.
15 Ang nalabi nga sa mga gawa ni Sallum, at ang pagbabanta niya na kaniyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
16 Nang magkagayo'y sinaktan ni Manahem si Tiphsa, at ang lahat na nandoon, at ang mga hangganan niyaon, mula sa Thirza: sapagka't hindi nila siya pinabuksan, kaya't sinaktan niya; (L)at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka.
17 Nang ikatatlongpu't siyam na taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Manahem na anak ni Gadi, at nagharing sangpung taon sa Samaria.
18 At kaniyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon: siya'y hindi humiwalay ng lahat niyang kaarawan sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.
19 Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay.
20 At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel, ang lahat na makapangyarihang lalake na mayaman, na bawa't lalake ay limangpung siklo na pilak upang ibigay sa hari sa Asiria. Sa gayo'y ang hari sa Asiria ay bumalik, at hindi tumigil doon sa lupain.
21 Ang iba nga sa mga gawa ni Manahem, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
22 At natulog si Manahem na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Pekaia na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
23 Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria, at nagharing dalawang taon.
24 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.
25 At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa (M)castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya.
26 Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
27 Nang ikalimangpu't dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria, at nagharing dalawangpung taon.
28 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.
Ang pagsalakay ng mga taga Asiria.
29 Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si (N)Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang (O)Ihion, at ang (P)Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang (Q)Cedes, at ang (R)Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.
30 At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias, at sinaktan niya siya, at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya, nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia.
31 Ang iba nga sa mga gawa ni Peka, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
Ang paghahari ni Jotham at ni Achas.
32 Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel, ay nagpasimulang maghari si (S)Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda.
33 Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc.
34 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia.
35 (T)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. (U)Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon.
36 (V)Ang iba nga sa mga gawa ni Jotham, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
37 Nang mga araw na yao'y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si (W)Resin na hari sa Siria, at si (X)Peka na anak ni Remalias.
38 At si (Y)Jotham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
2 Kings 15
English Standard Version
Azariah Reigns in Judah
15 (A)In the twenty-seventh year of Jeroboam king of Israel, (B)Azariah the son of Amaziah, king of Judah, began to reign. 2 He was (C)sixteen years old when he began to reign, and he reigned fifty-two years in Jerusalem. His mother's name was Jecoliah of Jerusalem. 3 And he did what was right in the eyes of the Lord, according to all that his father Amaziah had done. 4 (D)Nevertheless, the high places were not taken away. The people still sacrificed and made offerings on the high places. 5 (E)And the Lord touched the king, so that he was a leper[a] to the day of his death, (F)and he lived in a separate house.[b] And Jotham the king's son was over the household, governing the people of the land. 6 Now the rest of the acts of Azariah, and all that he did, are they not written in the Book of the Chronicles of the Kings of Judah? 7 And Azariah slept with his fathers, and they buried him with his fathers (G)in the city of David, and Jotham his son reigned in his place.
Zechariah Reigns in Israel
8 In the thirty-eighth year of Azariah king of Judah, Zechariah the son of Jeroboam reigned over Israel in Samaria six months. 9 And he did what was evil in the sight of the Lord, as his fathers had done. He did not depart from the sins of Jeroboam the son of Nebat, (H)which he made Israel to sin. 10 Shallum the son of Jabesh conspired against him and (I)struck him down at Ibleam and put him to death and reigned in his place. 11 Now the rest of the deeds of Zechariah, behold, they are written in the Book of the Chronicles of the Kings of Israel. 12 (This was (J)the promise of the Lord that he gave to Jehu, “Your sons shall sit on the throne of Israel to the fourth generation.” And so it came to pass.)
Shallum Reigns in Israel
13 Shallum the son of Jabesh began to reign in the thirty-ninth year of (K)Uzziah[c] king of Judah, and he reigned one month in (L)Samaria. 14 Then Menahem the son of Gadi came up from (M)Tirzah and came to Samaria, and he struck down Shallum the son of Jabesh in Samaria and put him to death and reigned in his place. 15 Now the rest of the deeds of Shallum, and the conspiracy that he made, behold, they are written in the Book of the Chronicles of the Kings of Israel. 16 At that time Menahem sacked Tiphsah and all who were in it and its territory from Tirzah on, because they did not open it to him. Therefore he sacked it, (N)and he ripped open all the women in it who were pregnant.
Menahem Reigns in Israel
17 In the thirty-ninth year of Azariah king of Judah, Menahem the son of Gadi began to reign over Israel, and he reigned ten years in Samaria. 18 And he did what was evil in the sight of the Lord. He did not depart all his days from all the sins of Jeroboam the son of Nebat, which he made Israel to sin. 19 (O)Pul[d] the king of Assyria came against the land, and Menahem gave (P)Pul a thousand talents[e] of silver, that he might help him (Q)to confirm his hold on the royal power. 20 Menahem exacted the money from Israel, that is, from all the wealthy men, fifty shekels[f] of silver from every man, to give to the king of Assyria. So the king of Assyria turned back and did not stay there in the land. 21 Now the rest of the deeds of Menahem and all that he did, are they not written in the Book of the Chronicles of the Kings of Israel? 22 And Menahem slept with his fathers, and Pekahiah his son reigned in his place.
Pekahiah Reigns in Israel
23 In the fiftieth year of Azariah king of Judah, Pekahiah the son of Menahem began to reign over Israel in Samaria, and he reigned two years. 24 And he did what was evil in the sight of the Lord. He did not turn away from the sins of Jeroboam the son of Nebat, (R)which he made Israel to sin. 25 And Pekah the son of Remaliah, his captain, conspired against him with fifty men of the people of Gilead, and struck him down in Samaria, in the citadel of the king's house with Argob and Arieh; he put him to death and reigned in his place. 26 Now the rest of the deeds of Pekahiah and all that he did, behold, they are written in the Book of the Chronicles of the Kings of Israel.
Pekah Reigns in Israel
27 In the fifty-second year of Azariah king of Judah, Pekah the son of Remaliah began to reign over Israel in Samaria, and he reigned twenty years. 28 And he did what was evil in the sight of the Lord. He did not depart from the sins of Jeroboam the son of Nebat, (S)which he made Israel to sin.
29 In the days of Pekah king of Israel, (T)Tiglath-pileser king of Assyria came and captured (U)Ijon, (V)Abel-beth-maacah, Janoah, (W)Kedesh, (X)Hazor, Gilead, and (Y)Galilee, all the land of Naphtali, and he carried the people captive to Assyria. 30 Then Hoshea the son of Elah made a conspiracy against Pekah the son of Remaliah and struck him down and put him to death and reigned in his place, (Z)in the twentieth year of Jotham the son of Uzziah. 31 Now the rest of the acts of Pekah and all that he did, behold, they are written in the Book of the Chronicles of the Kings of Israel.
Jotham Reigns in Judah
32 In the second year of Pekah the son of Remaliah, king of Israel, Jotham the son of Uzziah, king of Judah, began to reign. 33 He was (AA)twenty-five years old when he began to reign, and he reigned sixteen years in Jerusalem. His mother's name was Jerusha the daughter of Zadok. 34 And he did what was right in the eyes of the Lord, (AB)according to all that his father Uzziah had done. 35 (AC)Nevertheless, the high places were not removed. The people still sacrificed and made offerings on the high places. He built (AD)the upper gate of the house of the Lord. 36 Now the rest of the acts of Jotham and all that he did, are they not written in the Book of the Chronicles of the Kings of Judah? 37 In those days the Lord began to send (AE)Rezin the king of Syria and (AF)Pekah the son of Remaliah against Judah. 38 Jotham slept with his fathers and was buried with his fathers in the city of David his father, and Ahaz his son reigned in his place.
Footnotes
- 2 Kings 15:5 Leprosy was a term for several skin diseases; see Leviticus 13
- 2 Kings 15:5 The meaning of the Hebrew word is uncertain
- 2 Kings 15:13 Another name for Azariah
- 2 Kings 15:19 Another name for Tiglath-pileser III (compare verse 29)
- 2 Kings 15:19 A talent was about 75 pounds or 34 kilograms
- 2 Kings 15:20 A shekel was about 2/5 ounce or 11 grams
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

