Add parallel Print Page Options

18 Tulad ni Jeroboam, anak ni Nebat, na nagbulid sa Israel upang magkasala, ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh.

19 Sa panahon ni Menahem, ang Israel ay sinalakay ni Haring Pul ng Asiria.[a] Nagbigay sa kanya si Menahem ng 35,000 kilong pilak upang makuha ang suporta nito sa pagpapalakas ng kanyang paghahari sa Israel. 20 Para matipon ang halagang ito, hiningan niya ng tiglilimampung pirasong pilak ang lahat ng mayayaman sa Israel at ibinigay sa hari ng Asiria. Dahil dito, hindi sinakop ng Asiria ang Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19 Haring Pul ng Asiria: o kaya'y Tiglat-pileser .