Add parallel Print Page Options

12 Ito ang (A)salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Jehu, na sinasabi, Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel. At gayon ang nangyari.

13 Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu't siyam na taon ni (B)Uzzia na hari sa Juda; at siya'y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria.

14 At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa (C)Thirza, at naparoon sa Samaria, at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya.

Read full chapter