Add parallel Print Page Options

18 At kaniyang sinabi, Tangnan mo ang mga pana: at tinangnan niya ang mga yaon. At sinabi niya sa hari sa Israel, Humampas ka sa lupa: at siya'y humampas na makaitlo, at tumigil.

19 At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya, at nagsabi, Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim; sinaktan mo nga sana ang Siria (A)hanggang sa iyong nalipol: kaya't ngayo'y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang.

20 At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga (B)Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon.

Read full chapter