Add parallel Print Page Options

24 At sila'y nagsipasok na nangaghandog ng mga hain at ng mga handog na susunugin. Si Jehu nga ay naghalal para sa kaniya ng walongpung lalake sa labas, at nagsabi, Kung sinoman sa mga lalake na aking dalhin sa inyong mga kamay ay makatanan (A)ang buhay ng nagpakawala ay isasagot sa buhay niyaon.

25 At nangyari, pagkatapos niyang makapaghandog ng mga handog na susunugin, na sinabi ni Jehu sa (B)bantay at sa mga punong kawal, (C)Kayo'y magsipasok at inyo silang patayin; huwag makalabas ang sinoman. At sinaktan nila sila ng talim ng tabak; at inihagis sila sa labas ng bantay, at ng mga punong kawal, at nagsiparoon sa bayan ng bahay ni Baal.

26 At kanilang inilabas ang mga (D)haligi na pinakaalaala na nasa bahay ni Baal, at pinagsunog.

Read full chapter