Add parallel Print Page Options

Ang mga Himala na Ginawa ni Eliseo

19 Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakita naman po ninyo na mabuti ang kinatatayuan ng aming lugar, pero marumi ang tubig at hindi tinutubuan ng pananim ang lupa.”[a] 20 Sinabi ni Eliseo, “Dalhan ninyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito. 21 Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Lilinis ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:19 hindi tinutubuan ng pananim ang lupa: sa literal, ang mga nagbubuntis ay nakukunan.
  2. 2:21 hindi pagtubo ng mga pananim: o, makukunan ang mga buntis.