Add parallel Print Page Options

21 Ito ang sinabi ko laban sa kanya:

‘Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion,[a] ang lungsod ng Jerusalem.
    Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang nakatalikod ka.
22 Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo?
    Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo?
    Hindi baʼt ako, ang Banal na Dios ng Israel?
23 Kinutya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga sugo.
    Sinabi mo pa, “Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe naakyat ko ang matataas na bundok pati na ang tuktok ng bundok ng Lebanon.
    Pinutol ko ang pinakamataas na mga puno ng sedro at natatanging sipres nito.
    Nakarating ako sa tuktok nito na may makapal na kagubatan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:21 Zion: sa Hebreo, birhen na anak na babae ng Zion … anak na babae ng Jerusalem.