Add parallel Print Page Options

Pero hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar,[a] kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.

Binigyan siya ng Panginoon ng malubhang sakit sa balat,[b] na hindi gumaling hanggang sa araw nang kamatayan niya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo ng Juda at sa mga mamamayan. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Azaria, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:4 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  2. 15:5 malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.