2 Cronica 7:11-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Muling Kinausap ng Diyos si Solomon(A)
11 Natapos ni Solomon ang Templo ni Yahweh at ang sarili niyang palasyo. Sinunod niyang lahat ang plano niya para sa mga ito. 12 Isang gabi, nagpakita sa kanya si Yahweh at sinabi sa kanya: “Narinig ko ang iyong panalangin at tinatanggap ko ang lugar na ito upang dito ninyo ako handugan. 13 Isara ko man ang langit at hindi na umulan; utusan ko man ang mga balang upang salantain ang lupaing ito; magpadala man ako ng salot sa aking bayan, 14 ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain. 15 Babantayan ko sila at papakinggan ko ang mga panalanging iniaalay nila rito. 16 Pinili ko at iniuukol ang Templong ito upang dito ako sambahin magpakailanman. Lagi kong babantayan at mamahalin ang Templong ito magpakailanman. 17 Kung mananatili kang tapat sa akin gaya ng iyong amang si David, kung susundin mo ang lahat kong mga utos at tuntunin, 18 patatatagin(B) ko ang iyong paghahari. Tulad ng pangako ko sa iyong amang si David, hindi siya mawawalan ng anak na lalaki na maghahari sa Israel.
19 “Ngunit kapag tinalikuran ninyo ako at sinuway ninyo ang mga batas at mga utos na ibinigay ko sa inyo, at sumamba kayo at naglingkod sa ibang mga diyos, 20 palalayasin ko kayo sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo. Iiwan ko ang Templong ito na inilaan ko upang dito ako sambahin. Pagtatawanan ito at lalapastanganin ng mga bansa. 21 Ang mapapadaan sa tapat ng Templong ito na ngayo'y dinadakila ay mapapailing at magtatanong: ‘Bakit kaya ganito ang ginawa ni Yahweh sa lupaing ito at sa Templong ito?’ 22 Ito naman ang isasagot sa kanila: ‘Sapagkat tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na naglabas sa kanila sa Egipto. Bumaling sila sa ibang mga diyos at ang mga ito ang kanilang sinamba at pinaglingkuran. Kaya pinarusahan sila ng ganito ni Yahweh.’”
Read full chapter
2 Chronicles 7:11-22
New International Version
The Lord Appears to Solomon(A)
11 When Solomon had finished(B) the temple of the Lord and the royal palace, and had succeeded in carrying out all he had in mind to do in the temple of the Lord and in his own palace, 12 the Lord appeared(C) to him at night and said:
“I have heard your prayer and have chosen(D) this place for myself(E) as a temple for sacrifices.
13 “When I shut up the heavens so that there is no rain,(F) or command locusts to devour the land or send a plague among my people, 14 if my people, who are called by my name,(G) will humble(H) themselves and pray and seek my face(I) and turn(J) from their wicked ways, then I will hear(K) from heaven, and I will forgive(L) their sin and will heal(M) their land. 15 Now my eyes will be open and my ears attentive to the prayers offered in this place.(N) 16 I have chosen(O) and consecrated this temple so that my Name may be there forever. My eyes and my heart will always be there.
17 “As for you, if you walk before me faithfully(P) as David your father did, and do all I command, and observe my decrees(Q) and laws, 18 I will establish your royal throne, as I covenanted(R) with David your father when I said, ‘You shall never fail to have a successor(S) to rule over Israel.’(T)
19 “But if you[a] turn away(U) and forsake(V) the decrees and commands I have given you[b] and go off to serve other gods and worship them, 20 then I will uproot(W) Israel from my land,(X) which I have given them, and will reject this temple I have consecrated for my Name. I will make it a byword and an object of ridicule(Y) among all peoples. 21 This temple will become a heap of rubble. All[c] who pass by will be appalled(Z) and say,(AA) ‘Why has the Lord done such a thing to this land and to this temple?’ 22 People will answer, ‘Because they have forsaken the Lord, the God of their ancestors, who brought them out of Egypt, and have embraced other gods, worshiping and serving them(AB)—that is why he brought all this disaster on them.’”
Footnotes
- 2 Chronicles 7:19 The Hebrew is plural.
- 2 Chronicles 7:19 The Hebrew is plural.
- 2 Chronicles 7:21 See some Septuagint manuscripts, Old Latin, Syriac, Arabic and Targum; Hebrew And though this temple is now so imposing, all
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
