2 Cronica 36
Ang Biblia (1978)
Paghahari ni Joachaz.
36 Nang magkagayo'y kinuha (A)ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem.
2 Si Joachaz ay may dalawang pu't tatlong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem.
3 At inalis siya sa Jerusalem ng hari sa Egipto, at pinabuwis ang lupain ng isang daang talentong pilak at ng isang talentong ginto.
4 At inihalal na hari sa Juda at sa Jerusalem ng hari sa Egipto si Eliacim na kaniyang kapatid, at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim. At kinuha ni Nechao si Joachaz na kaniyang kapatid, at dinala niya siya sa Egipto.
Paghahari ni Joacim.
5 (B)Si Joacim ay may dalawang pu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon, sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios.
6 Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at tinanikalaan siya, upang dalhin siya sa Babilonia.
7 (C)Si Nabucodonosor ay nagdala naman ng mga sisidlan ng bahay ng Panginoon sa Babilonia, at inilagay sa kaniyang templo sa Babilonia.
8 Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim, at ang kaniyang mga karumaldumal na kaniyang ginawa, at ang nasumpungan sa kaniya, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda: at si (D)Joachin, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Paghahari ni Joachin at ni Sedecias.
9 Si Joachin ay (E)may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari: at siya'y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.
10 (F)At sa pagpihit ng taon, (G)si Nabucodonosor ay nagsugo, at dinala siya sa Babilonia, pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si (H)Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem.
11 (I)Si Zedecias ay may dalawang pu't isang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem:
12 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios; siya'y hindi nagpakababa sa harap ni (J)Jeremias na propeta na nagsasalita ng galing sa bibig ng Panginoon.
13 (K)At siya rin nama'y nanghimagsik laban sa haring Nabucodonosor, na siyang nagpasumpa sa kaniya sa pangalan ng Dios: nguni't pinapagmatigas niya ang kaniyang ulo at pinapagmatigas niya ang kaniyang puso sa panunumbalik sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
14 Bukod dito'y lahat ng mga pinuno ng mga saserdote, at ang bayan, ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa; at kanilang dinumhan ang bahay ng Panginoon na kaniyang itinalaga sa Jerusalem.
15 At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako:
16 Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, (L)at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.
Ang Jerusalem ay giniba.
17 Kaya't dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang (M)pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario, at hindi nagkaroon ng habag sa binata, o sa dalaga, sa matanda o sa may uban: ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay.
18 (N)At lahat ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios, malaki at maliit, at ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng hari, at ng kaniyang mga prinsipe; lahat ng mga ito'y dinala niya sa Babilonia.
19 (O)At sinunog nila ang bahay ng Dios, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon.
20 At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga (P)naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia:
21 Upang ganapin ang salita ng Panginoon (Q)sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa ang lupain ay nagalak sa (R)kaniyang mga sabbath: sapagka't habang giba ay kaniyang (S)ipinagdidiwang ang sabbath, upang ganapin ang pitong pung taon.
Ang utos ni Ciro na itayo ang templo.
22 (T)Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,
23 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia: Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.
2 Chronicles 36
Lexham English Bible
The Decline of Judah
36 And the people of the land took Jehoahaz the son of Josiah and made him king in place of his father in Jerusalem. 2 Jehoahaz was twenty-three years old when he began to reign, and he reigned three months in Jerusalem. 3 Then the king of Egypt deposed him in Jerusalem and laid a tribute upon the land of one hundred talents of silver and one talent of gold. 4 And the king of Egypt made Eliakim his brother king over Judah and Jerusalem, and he changed his name to Jehoiakim. But Neco took Jehoahaz his brother and brought him to Egypt.
5 Jehoiakim was twenty-five years old when he began to reign, and he reigned eleven years in Jerusalem. And he did evil in the eyes of Yahweh his God. 6 Nebuchadnezzar the king of Babylon went up against him, and he bound him with bronze fetters to bring him to Babylon. 7 And Nebuchadnezzar brought to Babylon the objects of the house of Yahweh and put them into the temple in Babylon. 8 Now the remainder of the words of Jehoiakim and the detestable things that he did and what was found against him, behold, they are written in the scroll of the kings of Israel and Judah. And Jehoiachin his son reigned in his place.
9 Jehoiachin was eighteen years old when he became king, and he reigned three months and ten days in Jerusalem. And he did evil in the eyes of Yahweh. 10 And at the turn of the year King Nebuchadnezzar sent and brought him to Babylon, with objects of the treasure of the house of Yahweh. And he made Zedekiah his brother king in Judah and Jerusalem.
11 Zedekiah was twenty-one years old when he began to reign, and he reigned eleven years in Jerusalem. 12 And he did evil in the eyes of Yahweh his God. He did not humble himself before Jeremiah the prophet who spoke for[a] Yahweh. 13 And he also rebelled against King Nebuchadnezzar, who had made him swear by God. He stiffened his neck and hardened his heart against turning to Yahweh, the God of Israel. 14 All the leaders of the priests and the people likewise increased in unfaithfulness according to all the detestable things of the nations. And they polluted the house of Yahweh that he had consecrated in Jerusalem.
15 And Yahweh, the God of their ancestors,[b] had repeatedly and persistently sent to them by the hand of his messengers, because he had compassion on his people and on his dwelling place. 16 But they were mocking the messengers of God and despising his words and scoffing at his prophets until the wrath of Yahweh rose against his people until there was no remedy.
The Destruction of Jerusalem
17 Therefore he brought against them the king of the Chaldeans, and he killed their young men with the sword in the house of their sanctuary. He showed no mercy on a young man, a virgin, the elderly, or decrepit. He delivered all into his hand. 18 And all the vessels of the house of God, the great and the small, the storehouses of the house of Yahweh, and the storehouses of the king and his princes, these all he brought to Babylon. 19 And they burned the house of God. And they shattered the walls of Jerusalem and burned its citadels with fire and destroyed all the vessels of its treasuries. 20 And he took those who escaped the sword[c] to Babylon. And they became servants to him and to his sons until the rule of the kingdom of Persia, 21 to fulfill the word of Yahweh by the mouth of Jeremiah, until the land has enjoyed its Sabbaths. All the days of desolation it kept Sabbath, to fulfill seventy years.
The Decree of Cyrus
22 And in the first year of Cyrus, the king of Persia, in order to fulfill the word of Yahweh by the mouth of Jeremiah, Yahweh stirred up the spirit of Cyrus, king of Persia, so that he made a proclamation[d] throughout all his kingdom and also in writing, saying: 23 “Thus says Cyrus, king of Persia: ‘Yahweh the God of heaven has given to me all the kingdoms of the earth, and he has appointed me to build a house for him at Jerusalem, which is in Judah. Whoever is among you from all his people, may Yahweh his God go up with him.’”
Footnotes
- 2 Chronicles 36:12 Literally “from the mouth of”
- 2 Chronicles 36:15 Or “fathers”
- 2 Chronicles 36:20 Literally “the remainder from the sword”
- 2 Chronicles 36:22 Literally “extended a voice”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
2012 by Logos Bible Software. Lexham is a registered trademark of Logos Bible Software
