Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Ang utos ni Ciro na itayo ang templo.

22 (A)Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,

23 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia: Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.

Ang pahayag ni Ciro tungkol sa templo.

Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa (B)pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,

Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; (C)at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.

Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (D)(siya'y Dios,) na nasa Jerusalem.

13 Aking ibinangon (A)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (B)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (C)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter