Print Page Options

Ang Paghahanda para sa Pista ng Paglampas ng Anghel

30 Nagpadala si Hezekia ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manase. Inimbita niya sila na pumunta sa templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Dios ng Israel. Nagpasya si Haring Hezekia at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan. Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem.

Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista, kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beersheba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Dios ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Pero sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.

Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat:

“Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na para magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob,[a] para bumalik din siya sa inyo. Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Dios, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon. Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Dios, para mawala ang matindi niyang galit sa inyo. Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Dios. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya.”

10 Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manase hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao. 11 Ngunit may ibang galing sa Asher, Manase at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem. 12 Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda para magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon. 13 Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 14 Inalis nila ang mga altar sa Jerusalem na pinaghahandugan para sa mga dios-diosan, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.

15 Nang ika-14 na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita na marumi ay nahiya, kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa templo ng Panginoon. 16 Pagkatapos, pumwesto sila sa kanilang mga lugar sa templo, ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.

17 Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila upang maihandog sa Panginoon. 18 Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manase, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Hezekia para sa kanila. Sinabi niya, “O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao 19 na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Dios ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa templo.” 20 Pinakinggan ng Panginoon si Hezekia at pinatawad[b] niya ang mga tao.

21 Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon. 22 Pinuri ni Hezekia ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog para sa mabuting relasyon, at nagpuri sa Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno.

23 Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan. 24 Nagbigay si Haring Hezekia sa mga tao ng 1,000 toro, 7,000 tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng 1,000 toro at 10,000 tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili. 25 Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda. 26 Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel. 27 Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Dios sa langit, sa kanyang banal na tahanan.

Footnotes

  1. 30:6 Jacob: sa Hebreo, Israel.
  2. 30:20 pinatawad: o, pinagaling.

Mga Paghahanda para sa Paskuwa

30 Si Hezekias ay nagpasabi sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng mga liham sa Efraim at Manases, na sila'y pumunta sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskuwa sa Panginoong Diyos ng Israel.

Sapagkat(A) ang hari at ang kanyang mga pinuno at ang buong kapulungan sa Jerusalem ay nagkasundong ipangilin ang paskuwa sa ikalawang buwan—

yamang hindi nila maipangilin iyon sa panahong iyon, sapagkat wala pang sapat na bilang ng mga pari ang nakapagpabanal, at hindi pa nakapagtipon ang taong-bayan sa Jerusalem.

Ang panukala ay minabuti ng hari at ng buong kapulungan.

Kaya't kanilang ipinag-utos na gumawa ng pahayag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na ang bayan ay dapat dumating at ipangilin ang paskuwa sa Panginoong Diyos ng Israel, sa Jerusalem; sapagkat hindi pa nila ito naipagdiriwang sa malaking bilang gaya ng iniatas.

Kaya't ang mga tagapagdala ng sulat ay lumibot sa buong Israel at Juda dala ang sulat mula sa hari at sa kanyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari, na sinasabi, “Kayong mga anak ni Israel, manumbalik kayo sa Panginoon, sa Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang siya'y muling manumbalik sa nalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.

Huwag kayong maging gaya ng inyong mga ninuno at mga kapatid, na naging taksil sa Panginoong Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya't sila'y ginawa niyang isang kapanglawan gaya ng inyong nakikita.

Huwag kayo ngayong maging matigas ang ulo, na gaya ng inyong mga ninuno, kundi ibigay ninyo ang sarili sa Panginoon. Pumasok kayo sa kanyang santuwaryo na kanyang itinalaga magpakailanman, at paglingkuran ninyo ang Panginoon ninyong Diyos, upang ang kanyang matinding galit ay lumayo sa inyo.

Sapagkat kapag kayo'y nanumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay makakatagpo ng habag sa mga bumihag sa kanila at babalik sa lupaing ito. Sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay mapagpala at maawain, at hindi niya ilalayo ang kanyang mukha sa inyo, kung kayo'y manunumbalik sa kanya.”

10 Kaya't ang mga tagapagdala ng sulat ay nagtungo sa bayan-bayan sa lupain ng Efraim at Manases hanggang sa Zebulon; ngunit sila'y pinagtawanang may pagkutya at paghamak.

11 Tanging ang ilan sa Aser, sa Manases, at sa Zebulon ang nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.

12 Ang kamay ng Diyos ay nasa Juda rin upang bigyan sila ng isang puso upang gawin ang iniutos ng hari at ng mga pinuno sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.

Ipinagdiwang ang Paskuwa

13 Maraming tao ang sama-samang dumating sa Jerusalem upang ipagdiwang ang pista ng tinapay na walang pampaalsa sa ikalawang buwan, iyon ay isang napakalaking pagtitipon.

14 Nagsimula silang gumawa at inalis ang mga dambanang nasa Jerusalem, at ang lahat ng dambana para sa pagsusunog ng insenso ay inalis nila at itinapon sa libis ng Cedron.

15 Kanilang pinatay ang kordero ng paskuwa nang ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan. Ang mga pari at mga Levita ay nalagay sa kahihiyan, kaya't sila'y nagpakabanal at nagdala ng mga handog na sinusunog sa bahay ng Panginoon.

16 At sila'y tumayo sa kanilang kinagawiang puwesto ayon sa kautusan ni Moises na tao ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na kanilang tinanggap mula sa kamay ng mga Levita.

17 Sapagkat marami sa kapulungan na hindi nagpakabanal ng kanilang sarili; kaya't kailangang patayin ng mga Levita ang kordero ng paskuwa para sa bawat isa na hindi malinis, upang iyon ay gawing banal sa Panginoon.

18 Sapagkat napakarami sa mga tao, marami sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar, at sa Zebulon, ang hindi naglinis ng kanilang sarili, gayunma'y kumain sila ng kordero ng paskuwa na hindi ayon sa ipinag-utos. Sapagkat idinalangin sila ni Hezekias, na sinasabi, “Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawat isa,

19 na nagtatalaga ng kanyang puso upang hanapin ang Diyos, ang Panginoong Diyos ng kanyang mga ninuno, bagaman hindi ayon sa batas ng santuwaryo hinggil sa paglilinis.”

20 Pinakinggan ng Panginoon si Hezekias, at pinagaling ang taong-bayan.

21 At ang mga anak ni Israel na naroroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng pista ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw na may malaking kagalakan; at pinuri ng mga Levita at ng mga pari ang Panginoon araw-araw, na umawit nang buong lakas sa Panginoon.

Ang Ikalawang Pagdiriwang

22 Si Hezekias ay nagsalitang may pampasigla sa lahat ng mga Levita na nagpakita ng mabuting kakayahan sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya't ang mga tao ay kumain ng pagkain ng kapistahan sa loob ng pitong araw, na nag-aalay ng mga handog pangkapayapaan, at nagpapasalamat sa Panginoong Diyos ng kanilang mga ninuno.

23 At ang buong kapulungan ay nagkasundong ipagdiwang ang pista ng pitong araw pa; kaya't ito ay kanilang ipinagdiwang ng pitong araw pa na may kagalakan.

24 Sapagkat si Hezekias na hari ng Juda ay nagbigay sa kapulungan ng isanlibong baka at pitong libong tupa bilang mga handog, at ang mga pinuno ay nagbigay sa kapulungan ng isanlibong baka at sampung libong tupa. At ang napakalaking bilang ng mga pari ay nagpakabanal.

25 At ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari at mga Levita, ang buong kapulungan na lumabas sa Israel, ang mga dayuhang nagsilabas mula sa lupain ng Israel, at ang mga dayuhang naninirahan sa Juda ay nagalak.

26 Kaya't nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem, sapagkat mula nang panahon ni Solomon na anak ni David na hari ng Israel, ay hindi pa nagkaroon ng tulad nito sa Jerusalem.

27 Pagkatapos tumayo ang mga pari at mga Levita at binasbasan ang taong-bayan, at ang tinig nila ay narinig at ang kanilang panalangin ay umabot sa kanyang banal na tahanan sa langit.

Hezekiah Celebrates the Passover

30 Hezekiah sent word to all Israel(A) and Judah and also wrote letters to Ephraim and Manasseh,(B) inviting them to come to the temple of the Lord in Jerusalem and celebrate the Passover(C) to the Lord, the God of Israel. The king and his officials and the whole assembly in Jerusalem decided to celebrate(D) the Passover in the second month. They had not been able to celebrate it at the regular time because not enough priests had consecrated(E) themselves and the people had not assembled in Jerusalem. The plan seemed right both to the king and to the whole assembly. They decided to send a proclamation throughout Israel, from Beersheba to Dan,(F) calling the people to come to Jerusalem and celebrate the Passover to the Lord, the God of Israel. It had not been celebrated in large numbers according to what was written.

At the king’s command, couriers went throughout Israel and Judah with letters from the king and from his officials, which read:

“People of Israel, return to the Lord, the God of Abraham, Isaac and Israel, that he may return to you who are left, who have escaped from the hand of the kings of Assyria. Do not be like your parents(G) and your fellow Israelites, who were unfaithful(H) to the Lord, the God of their ancestors, so that he made them an object of horror,(I) as you see. Do not be stiff-necked,(J) as your ancestors were; submit to the Lord. Come to his sanctuary, which he has consecrated forever. Serve the Lord your God, so that his fierce anger(K) will turn away from you. If you return(L) to the Lord, then your fellow Israelites and your children will be shown compassion(M) by their captors and will return to this land, for the Lord your God is gracious and compassionate.(N) He will not turn his face from you if you return to him.”

10 The couriers went from town to town in Ephraim and Manasseh, as far as Zebulun, but people scorned and ridiculed(O) them. 11 Nevertheless, some from Asher, Manasseh and Zebulun humbled(P) themselves and went to Jerusalem.(Q) 12 Also in Judah the hand of God was on the people to give them unity(R) of mind to carry out what the king and his officials had ordered, following the word of the Lord.

13 A very large crowd of people assembled in Jerusalem to celebrate the Festival of Unleavened Bread(S) in the second month. 14 They removed the altars(T) in Jerusalem and cleared away the incense altars and threw them into the Kidron Valley.(U)

15 They slaughtered the Passover lamb on the fourteenth day of the second month. The priests and the Levites were ashamed and consecrated(V) themselves and brought burnt offerings to the temple of the Lord. 16 Then they took up their regular positions(W) as prescribed in the Law of Moses the man of God. The priests splashed against the altar the blood handed to them by the Levites. 17 Since many in the crowd had not consecrated themselves, the Levites had to kill(X) the Passover lambs for all those who were not ceremonially clean and could not consecrate their lambs[a] to the Lord. 18 Although most of the many people who came from Ephraim, Manasseh, Issachar and Zebulun had not purified themselves,(Y) yet they ate the Passover, contrary to what was written. But Hezekiah prayed for them, saying, “May the Lord, who is good, pardon everyone 19 who sets their heart on seeking God—the Lord, the God of their ancestors—even if they are not clean according to the rules of the sanctuary.” 20 And the Lord heard(Z) Hezekiah and healed(AA) the people.(AB)

21 The Israelites who were present in Jerusalem celebrated the Festival of Unleavened Bread(AC) for seven days with great rejoicing, while the Levites and priests praised the Lord every day with resounding instruments dedicated to the Lord.[b]

22 Hezekiah spoke encouragingly to all the Levites, who showed good understanding of the service of the Lord. For the seven days they ate their assigned portion and offered fellowship offerings and praised[c] the Lord, the God of their ancestors.

23 The whole assembly then agreed to celebrate(AD) the festival seven more days; so for another seven days they celebrated joyfully. 24 Hezekiah king of Judah provided(AE) a thousand bulls and seven thousand sheep and goats for the assembly, and the officials provided them with a thousand bulls and ten thousand sheep and goats. A great number of priests consecrated themselves. 25 The entire assembly of Judah rejoiced, along with the priests and Levites and all who had assembled from Israel(AF), including the foreigners who had come from Israel and also those who resided in Judah. 26 There was great joy in Jerusalem, for since the days of Solomon(AG) son of David king of Israel there had been nothing like this in Jerusalem. 27 The priests and the Levites stood to bless(AH) the people, and God heard them, for their prayer reached heaven, his holy dwelling place.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 30:17 Or consecrate themselves
  2. 2 Chronicles 30:21 Or priests sang to the Lord every day, accompanied by the Lord’s instruments of praise
  3. 2 Chronicles 30:22 Or and confessed their sins to

30 And Hezekiah sent to all Israel and Judah, and wrote letters also to Ephraim and Manasseh, that they should come to the house of the Lord at Jerusalem, to keep the passover unto the Lord God of Israel.

For the king had taken counsel, and his princes, and all the congregation in Jerusalem, to keep the passover in the second month.

For they could not keep it at that time, because the priests had not sanctified themselves sufficiently, neither had the people gathered themselves together to Jerusalem.

And the thing pleased the king and all the congregation.

So they established a decree to make proclamation throughout all Israel, from Beersheba even to Dan, that they should come to keep the passover unto the Lord God of Israel at Jerusalem: for they had not done it of a long time in such sort as it was written.

So the posts went with the letters from the king and his princes throughout all Israel and Judah, and according to the commandment of the king, saying, Ye children of Israel, turn again unto the Lord God of Abraham, Isaac, and Israel, and he will return to the remnant of you, that are escaped out of the hand of the kings of Assyria.

And be not ye like your fathers, and like your brethren, which trespassed against the Lord God of their fathers, who therefore gave them up to desolation, as ye see.

Now be ye not stiffnecked, as your fathers were, but yield yourselves unto the Lord, and enter into his sanctuary, which he hath sanctified for ever: and serve the Lord your God, that the fierceness of his wrath may turn away from you.

For if ye turn again unto the Lord, your brethren and your children shall find compassion before them that lead them captive, so that they shall come again into this land: for the Lord your God is gracious and merciful, and will not turn away his face from you, if ye return unto him.

10 So the posts passed from city to city through the country of Ephraim and Manasseh even unto Zebulun: but they laughed them to scorn, and mocked them.

11 Nevertheless divers of Asher and Manasseh and of Zebulun humbled themselves, and came to Jerusalem.

12 Also in Judah the hand of God was to give them one heart to do the commandment of the king and of the princes, by the word of the Lord.

13 And there assembled at Jerusalem much people to keep the feast of unleavened bread in the second month, a very great congregation.

14 And they arose and took away the altars that were in Jerusalem, and all the altars for incense took they away, and cast them into the brook Kidron.

15 Then they killed the passover on the fourteenth day of the second month: and the priests and the Levites were ashamed, and sanctified themselves, and brought in the burnt offerings into the house of the Lord.

16 And they stood in their place after their manner, according to the law of Moses the man of God: the priests sprinkled the blood, which they received of the hand of the Levites.

17 For there were many in the congregation that were not sanctified: therefore the Levites had the charge of the killing of the passovers for every one that was not clean, to sanctify them unto the Lord.

18 For a multitude of the people, even many of Ephraim, and Manasseh, Issachar, and Zebulun, had not cleansed themselves, yet did they eat the passover otherwise than it was written. But Hezekiah prayed for them, saying, The good Lord pardon every one

19 That prepareth his heart to seek God, the Lord God of his fathers, though he be not cleansed according to the purification of the sanctuary.

20 And the Lord hearkened to Hezekiah, and healed the people.

21 And the children of Israel that were present at Jerusalem kept the feast of unleavened bread seven days with great gladness: and the Levites and the priests praised the Lord day by day, singing with loud instruments unto the Lord.

22 And Hezekiah spake comfortably unto all the Levites that taught the good knowledge of the Lord: and they did eat throughout the feast seven days, offering peace offerings, and making confession to the Lord God of their fathers.

23 And the whole assembly took counsel to keep other seven days: and they kept other seven days with gladness.

24 For Hezekiah king of Judah did give to the congregation a thousand bullocks and seven thousand sheep; and the princes gave to the congregation a thousand bullocks and ten thousand sheep: and a great number of priests sanctified themselves.

25 And all the congregation of Judah, with the priests and the Levites, and all the congregation that came out of Israel, and the strangers that came out of the land of Israel, and that dwelt in Judah, rejoiced.

26 So there was great joy in Jerusalem: for since the time of Solomon the son of David king of Israel there was not the like in Jerusalem.

27 Then the priests the Levites arose and blessed the people: and their voice was heard, and their prayer came up to his holy dwelling place, even unto heaven.

Hezekiah Keeps the Passover

30 And Hezekiah sent to all Israel and Judah, and also wrote letters to Ephraim and Manasseh, that they should come to the house of the Lord at Jerusalem, to keep the Passover to the Lord God of Israel. For the king and his leaders and all the assembly in Jerusalem had agreed to keep the Passover in the second (A)month. For they could not keep it (B)at [a]the regular time, (C)because a sufficient number of priests had not consecrated themselves, nor had the people gathered together at Jerusalem. And the matter pleased the king and all the assembly. So they [b]resolved to make a proclamation throughout all Israel, from Beersheba to Dan, that they should come to keep the Passover to the Lord God of Israel at Jerusalem, since they had not done it for a long time in the prescribed manner.

Then the (D)runners went throughout all Israel and Judah with the letters from the king and his leaders, and spoke according to the command of the king: “Children of Israel, (E)return to the Lord God of Abraham, Isaac, and Israel; then He will return to the remnant of you who have escaped from the hand of (F)the kings of (G)Assyria. And do not be (H)like your fathers and your brethren, who trespassed against the Lord God of their fathers, so that He (I)gave them up to (J)desolation, as you see. Now do not be (K)stiff-necked,[c] as your fathers were, but yield yourselves to the Lord; and enter His sanctuary, which He has sanctified forever, and serve the Lord your God, (L)that the fierceness of His wrath may turn away from you. For if you return to the Lord, your brethren and your children will be treated with (M)compassion by those who lead them captive, so that they may come back to this land; for the Lord your God is (N)gracious and merciful, and will not turn His face from you if you (O)return to Him.”

10 So the runners passed from city to city through the country of Ephraim and Manasseh, as far as Zebulun; but (P)they laughed at them and mocked them. 11 Nevertheless (Q)some from Asher, Manasseh, and Zebulun humbled themselves and came to Jerusalem. 12 Also (R)the hand of God was on Judah to give them singleness of heart to obey the command of the king and the leaders, (S)at the word of the Lord.

13 Now many people, a very great assembly, gathered at Jerusalem to keep the Feast of (T)Unleavened Bread in the second month. 14 They arose and took away the (U)altars that were in Jerusalem, and they took away all the incense altars and cast them into the Brook (V)Kidron. 15 Then they slaughtered the Passover lambs on the fourteenth day of the second month. The priests and the Levites [d]were (W)ashamed, and [e]sanctified themselves, and brought the burnt offerings to the house of the Lord. 16 They stood in their (X)place [f]according to their custom, according to the Law of Moses the man of God; the priests sprinkled the blood received from the hand of the Levites. 17 For there were many in the assembly who had not [g]sanctified themselves; (Y)therefore the Levites had charge of the slaughter of the Passover lambs for everyone who was not clean, to sanctify them to the Lord. 18 For a multitude of the people, (Z)many from Ephraim, Manasseh, Issachar, and Zebulun, had not cleansed themselves, (AA)yet they ate the Passover contrary to what was written. But Hezekiah prayed for them, saying, “May the good Lord provide atonement for everyone 19 who (AB)prepares his heart to seek God, the Lord God of his fathers, though he is not cleansed according to the purification of the sanctuary.” 20 And the Lord listened to Hezekiah and healed the people.

21 So the children of Israel who were present at Jerusalem kept (AC)the Feast of Unleavened Bread seven days with great gladness; and the Levites and the priests praised the Lord day by day, singing to the Lord, accompanied by loud instruments. 22 And Hezekiah gave encouragement to all the Levites (AD)who taught the good knowledge of the Lord; and they ate throughout the feast seven days, offering peace offerings and (AE)making confession to the Lord God of their fathers.

23 Then the whole assembly agreed to keep the feast (AF)another seven days, and they kept it another seven days with gladness. 24 For Hezekiah king of Judah (AG)gave to the assembly a thousand bulls and seven thousand sheep, and the leaders gave to the assembly a thousand bulls and ten thousand sheep; and a great number of priests (AH)sanctified[h] themselves. 25 The whole assembly of Judah rejoiced, also the priests and Levites, all the assembly that came from Israel, the sojourners (AI)who came from the land of Israel, and those who dwelt in Judah. 26 So there was great joy in Jerusalem, for since the time of (AJ)Solomon the son of David, king of Israel, there had been nothing like this in Jerusalem. 27 Then the priests, the Levites, arose and (AK)blessed the people, and their voice was heard; and their prayer came up to (AL)His holy dwelling place, to heaven.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 30:3 The first month, Lev. 23:5; lit. that time
  2. 2 Chronicles 30:5 established a decree to
  3. 2 Chronicles 30:8 Rebellious
  4. 2 Chronicles 30:15 humbled themselves
  5. 2 Chronicles 30:15 set themselves apart
  6. 2 Chronicles 30:16 Or in their proper order
  7. 2 Chronicles 30:17 consecrated
  8. 2 Chronicles 30:24 consecrated