Add parallel Print Page Options

At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan.

Sa gayo'y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel (A)mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila'y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagka't hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat.

Sa gayo'y ang mga (B)mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel (C)manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng (D)mga hari sa Asiria.

Read full chapter