Font Size
2 Cronica 29:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Cronica 29:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
4 Ipinatawag niya ang mga pari at ang mga Levita, at pinatipon sa loob ng bakuran sa bandang silangan ng templo. 5 Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan nʼyo ako, kayong mga Levita! Linisin ninyo ang inyong mga sarili[a] ngayon, at linisin din ninyo ang templo ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno. Kunin nʼyo sa templo ang lahat ng bagay na itinuturing na marumi. 6 Hindi naging tapat ang ating mga ninuno. Masama ang ginawa nila sa paningin ng Panginoon na ating Dios at siyaʼy kanilang itinakwil. Pinabayaan nila ang kanyang templo at siyaʼy kanila ngang tinalikuran.
Read full chapterFootnotes
- 29:5 Linisin ninyo ang inyong mga sarili: Ang ibig sabihin, gawin ninyo ang seremonya sa paglilinis.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®