Font Size
2 Cronica 28:16-18
Magandang Balita Biblia
2 Cronica 28:16-18
Magandang Balita Biblia
Si Ahaz ay Humingi ng Saklolo sa Asiria(A)
16 Nang panahong iyo'y humingi ng tulong si Haring Ahaz sa hari ng Asiria. 17 Ginawa niya ito sapagkat sumalakay na naman ang mga taga-Edom at natalo ang Juda. Marami na namang nabihag sa kanila. 18 Sinalakay din ng mga Filisteo ang mga bayan sa mga paanan ng mga burol sa kanluran at ang mga bayan sa katimugan ng Juda. Nakuha rin nila ang Beth-semes, Aijalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo pati ang mga nayong sakop ng mga lugar na ito, at sila ang tumira doon.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.