Font Size
2 Cronica 20:7-9
Ang Biblia, 2001
2 Cronica 20:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Hindi(A) ba't ikaw, O aming Diyos, ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito sa harapan ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailanman?
8 Sila'y nanirahan doon at ipinagtayo ka ng santuwaryo para sa iyong pangalan, na sinasabi,
9 ‘Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak, kahatulan,[a] salot, o taggutom, kami ay tatayo sa harapan ng bahay na ito at sa iyong harapan, sapagkat ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito; at kami ay dadaing sa iyo sa aming kahirapan, at ikaw ay makikinig at magliligtas?’
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 20:9 o tabak ng kahatulan .