Font Size
2 Cronica 20:26-28
Ang Biblia, 2001
2 Cronica 20:26-28
Ang Biblia, 2001
26 Nang ikaapat na araw, sila'y nagtipun-tipon sa Libis ng Beraca;[a] sapagkat doo'y pinuri nila ang Panginoon. Kaya't ang pangalan ng dakong iyon ay tinawag na Libis ng Beraca hanggang sa araw na ito.
27 Pagkatapos sila'y bumalik, bawat lalaki ng Juda at Jerusalem, at si Jehoshafat sa unahan nila, pabalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagkat sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway.
28 Sila'y dumating sa Jerusalem na may mga salterio, alpa, at mga trumpeta patungo sa bahay ng Panginoon.
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 20:26 o Pagpupuri .