Font Size
2 Cronica 20:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 20:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Matapos niyang paalalahanan ang mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit na magpupuri kay Yahweh dahil sa kanyang kahanga-hangang kabanalan. Inilagay niya ang mga ito sa unahan ng hukbo at habang daa'y umaawit:
“Purihin si Yahweh,
pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”
22 Nang marinig ng mga kaaway ang awitan, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo. 23 Ang sinalakay ng mga Ammonita at Moabita ay ang kasama nilang taga-Edom, at nilipol nila ang mga ito. Pagkatapos, sila-sila ang nagpatayan.
Read full chapter