Add parallel Print Page Options

Tinalo ni Jehoshafat ang Moab at Ammon

20 Pagkatapos, nakipaglaban ang mga Moabita at mga Ammonita, kasama ng ibang mga Meuneo,[a] kay Jehoshafat. May mga taong pumunta kay Jehoshafat at nagsabi, “Napakarami pong sundalo ang papalapit upang lusubin kayo. Silaʼy galing sa Edom,[b] sa kabilang bahagi ng Dagat na Patay. Naroon sila sa Hazazon Tamar” (na tinatawag ding En Gedi). Natakot si Jehoshafat at dumulog siya sa Panginoon. At nag-utos siya na mag-ayuno ang lahat ng taga-Juda.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:1 Meuneo: Ito ay sa ibang teksto sa Griego. Sa Hebreo, Ammonita.
  2. 20:2 Edom: Ito ay makikita sa isa sa mga tekstong Hebreo. Karamihan, Aram.