Add parallel Print Page Options

Si Josaphat ay dumalangin upang siya'y tulungan laban sa Moab at Ammon.

20 At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni (A)Moab, at ang mga anak ni (B)Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka.

Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang (C)Engedi).

At si Josaphat ay natakot, at tumalagang (D)hanapin ang Panginoon; at siya'y (E)nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.

Read full chapter