Add parallel Print Page Options

Ang layunin ni Salomon sa pagtatayo ng templo.

Si Salomon nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian.

(A)At si Salomon ay bumilang ng pitong pung libong lalake upang magsipagpasan ng mga pasan, at walong pung libong lalake na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan upang mamahala sa kanila.

(B)At si Salomon ay nagsugo kay Hiram na hari sa Tiro, na ipinasasabi, (C)Kung paanong iyong ginawa kay David na aking ama at pinadalhan siya ng mga sedro upang ipagtayo siya ng bahay na matirahan doon, gayon din ang gawin mo sa akin.

Narito, aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, upang italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia, at maiukol sa (D)palaging tinapay na handog, at sa mga (E)handog na susunugin sa umaga at hapon, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios. Ito ang utos sa Israel magpakailan man.

At ang bahay na aking itinatayo ay dakila: sapagka't dakila ang aming Dios kay sa lahat ng mga Dios.

Nguni't sinong makapagtatayo para sa kaniya ng isang bahay, (F)dangang sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasiya? sino nga ako, na ipagtatayo ko siya ng isang bahay, liban sa magsunog lamang ng kamangyan sa harap niya?

Ngayon nga'y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, at sa kulay ube, at matingkad na pula, at bughaw, at ng makauukit ng sarisaring ukit, upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem, (G)na itinaan ni David na aking ama.

Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, mga kahoy na abeto, at mga kahoy na algum, na mula sa Libano, sapagka't talastas ko na ang iyong mga bataan ay matalinong pumutol ng kahoy sa Libano. At, narito, ang aking mga alipin ay sasama sa iyong mga bataan,

Sa makatuwid baga'y upang ipaghanda ako ng kahoy na sagana: sapagka't ang bahay na aking itatayo ay magiging dakila at kagilagilalas.

10 At (H)narito, aking ibibigay sa iyong mga bataan, na mga mamumutol ng kahoy, ang dalawangpung libong koro ng binayong trigo, at dalawang pung libong koro ng sebada, at dalawangpung libong (I)bath ng alak, at dalawangpung libong bath ng langis.

Ang tulong ni Hiram sa pagtatayo ng templo.

11 Nang magkagayo'y si Hiram na hari sa Tiro ay sumagot sa sulat, na kaniyang ipinadala kay Salomon, (J)Sapagka't minamahal ng Panginoon ang kaniyang bayan, ay ginawa ka niyang hari sa kanila.

12 Sinabi ni Hiram bukod dito, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na lumikha ng langit at lupa, na nagbigay kay David na hari ng isang pantas na anak, na may bait at kaalaman, na ipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian.

13 At ngayo'y nagsugo ako ng bihasang lalake na may kaalaman, kay Hiram na aking ama,

14 Na anak ng isang babae sa mga anak ni Dan; at ang kaniyang ama ay (K)taga Tiro na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, sa tanso, sa bakal, sa bato, at sa kahoy, sa kulay ube, sa bughaw, at sa mainam na kayong lino, at sa matingkad na pula; upang umukit din naman ng anomang paraan ng ukit, at magmunakala ng anoman; upang magkaroon ng isang takdang dako sa kaniya na kasama ng iyong mga bihasang lalake at ng mga bihasang lalake ng aking panginoong si David na iyong ama.

15 Ngayon nga'y ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak, na sinalita ng (L)aking panginoon, ipadala niya sa kaniyang mga bataan:

16 At kami ay magsisiputol ng kahoy mula sa Libano, kung gaano ang iyong kakailanganin: at aming dadalhin sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat hanggang sa (M)Joppe; at iyong iaahon sa Jerusalem.

17 At binilang ni Salomon ang lahat na taga ibang lupa na nangasa lupain ng Israel, ayon sa bilang na ibinilang ni (N)David na kaniyang ama sa kanila; at nasumpungan ay isang daan at limang pu't tatlong libo at anim na raan.

18 At kaniyang inilagay sa kanila ay pitong pung libong tagadala ng pasan, at walong pung libo na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan na kapatas upang magayos ng gawain ng bayan.

預備建聖殿

所羅門決定為耶和華的名建造殿宇,也為自己興建王宮。

他徵用七萬名搬運工、八萬名在山上鑿石的匠人、三千六百名監工, 並派人去見泰爾王希蘭,說:「你曾運香柏木給我父親建造王宮,請你也照樣幫助我。 現在,我要為我的上帝耶和華的名建一座殿,我要把殿獻給祂,在祂面前燒芬芳的香,經常獻上供餅,在每天早晚、安息日、朔日[a]及我們的上帝耶和華所定的節期獻上燔祭。這是以色列人應當永遠遵守的定例。 我要建造的殿宇極其宏偉,因為我們的上帝超越一切神明。 諸天尚且容納不下祂,誰能為祂建造殿宇呢?我是誰,怎能為祂建造殿宇?我不過是建個向祂燒香的地方。 現在,請你派一位巧匠來,他要懂得雕刻,會用金銀銅鐵鑄造物品,會編織紫色、朱紅色和藍色的布,好與我父大衛在猶大和耶路撒冷所預備的巧匠一起工作。 也請你從黎巴嫩運些香柏木、松木和檀香木來,因為我知道你的僕人擅長砍伐黎巴嫩的樹木。我會派人與你的僕人一起工作。 我要建的殿宇非常宏偉,所以需要的木料非常多。 10 我會供給你的伐木工人四百四十萬升小麥、四百四十萬升大麥、四十四萬升酒和四十四萬升油。」

11 泰爾王希蘭寫信給所羅門說:「耶和華愛祂的子民,所以立你做他們的王。 12 創造天地的以色列的上帝耶和華當受稱頌!祂賜給大衛王一個有智慧、謀略和悟性的兒子來為耶和華建殿,也為他自己建造王宮。 13 現在,我派聰明能幹的巧匠戶蘭去你那裡。 14 他的母親是但支派的人,父親是泰爾人。他精於雕刻和設計,善用金銀銅鐵和木石製造物品,又會編織紫色、藍色、朱紅色的布和細麻布。你可以讓他與你的工匠和你父親大衛的工匠一起工作。 15 現在,請我主把許諾的小麥、大麥、油和酒運給僕人。 16 我們會在黎巴嫩砍伐你需要的木材,紮成木筏,經海道運到約帕,你可以從那裡將木材轉運到耶路撒冷。」

17 所羅門依照他父親大衛的方法,統計所有寄居在以色列的外族人,共有十五萬三千六百人。 18 他指派其中的七萬人做搬運工,八萬人在山上採鑿石頭,三千六百人做監工。

Footnotes

  1. 2·4 朔日」即每月初一。