Add parallel Print Page Options

Pinatibay ng Panginoon ang kaharian sa ilalim ng kanyang pamumuno. Nagdala ng mga regalo ang lahat ng taga-Juda sa kanya, kaya yumaman siya at naging tanyag. Matapat siya sa pagsunod sa mga pamamaraan ng Panginoon. Ipinagiba niya ang mga sambahan sa matataas na lugar[a] at ang posteng simbolo ng diosang si Ashera sa Juda.

Nang ikatlong taon ng paghahari niya, dinala niya ang kanyang mga opisyal na sila Ben Hail, Obadias, Zacarias, Netanel at Micaya para magturo sa mga bayan ng Juda.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:6 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.