Add parallel Print Page Options

13 Pagkatapos, umalis si Solomon sa Toldang Tipanan doon sa sambahan sa matataas na lugar na nasa Gibeon, at bumalik sa Jerusalem. At naghari siya sa Israel.

Ang mga Kayamanan ni Solomon(A)

14 Nakapagtipon si Solomon ng 1,400 karwahe at 12,000 kabayo.[a] Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem. 15 Nang panahong siya ang hari, ang pilak at ginto sa Jerusalem ay parang ordinaryong mga bato lang, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng ordinaryong mga kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:14 kabayo: o, mangangabayo.
  2. 1:15 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.