Add parallel Print Page Options

Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya upang sa lahat ng paraan ay magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa. Ayon sa nasusulat:

Namamahagi siya sa malalayong dako, nag­bigay siya sa mga mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.

10 Ang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at nagbibigay ng tinapay na makakain ay siya ring magpaparami ng inyong ani. Pararamihin din niya ang bunga ng inyong katuwiran. 11 Sa lahat ng bagay ay payayamanin niya kayo sa inyong matapat na pagbibigay. Ito ay magdudulot sa amin ng pagpapasalamat sa Diyos.

12 Ang paglilingkod na ito ng pagbibigay ay hindi lang nagpupuno sa pangangailangan ng mga banal. Ito rin ay sumasagana sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Diyos. 13 Sa pamamagitan ng katibayan ng paglilingkod na ito sila ay lumuluwalhati sa Diyos dahil sa inyong pagpapahayag ng inyong pagpapasakop sa ebanghelyo ni Cristo. At ito ay dahil na rin sa inyong pakikipag-isa sa matapat na pagbibigay para sa kanila at para sa lahat. 14 Lumuluwalhati sila sa Diyos sa panalanging may paghiling para sa inyo, sila na nananabik sa inyo dahil sa nakakahigit na biyaya ng Diyos sa inyo. 15 Ang pasasalamat ay sa Diyos dahil sa kaniyang hindi maipaliwanag na kaloob.

Read full chapter