Add parallel Print Page Options

Isinugo ko ang mga kapatid nang hindi mawalang saysay ang aking pagmamalaki sa inyo patungkol sa bagay na ito. Ayon sa aking sinabi: Kayo ay maging handa. Baka sumama sa akin ang ilan sa mga taga-Macedonia at makita kayong hindi handa, mapapahiya kami, sa tiyak na pagmamalaking ito. Kahit nalalaman naming maaaring higit kayong mapahiya sa bagay na ito. Kaya nga, naisip kong kinakailangang ipamanhik sa mga kapatid na mauna na sa pagpunta sa inyo. Isinugo ko sila upang ihanda ang inyong ipinangakong pagpapala at hindi sapilitang kaloob.

Read full chapter