Add parallel Print Page Options

Ngunit ang Diyos na nagpapalakas ng loob ng mga mababang kalagayan ay nagpalakas ng loob sa amin at ito ay sa pamamagitan ng pagdating ni Tito. Hindi lamang ang pagdating niya ang nagpalakas ng loob sa amin subalit maging ang kaaliwang tinanggap niya sa inyo. Sinabi niya sa amin ang pananabik ninyong makita ako at ang inyong kalungkutan. Sinabi niya ang inyong maalab na pagmamahal sa akin at dahil samga ito, ako ay lalong nagalak.

Kung napighati ko kayo sa aking liham, sa ngayon hindi ko pinagsisisihan iyon, bagama’t iyon ay pinagsisihan ko na noon. Ito ay sapagkat alam ko na ang liham kong iyon ay pumighati sa inyo kahit na sa maikling panahon.

Read full chapter