Font Size
2 Corinto 7:12-14
Ang Salita ng Diyos
2 Corinto 7:12-14
Ang Salita ng Diyos
12 Kaya nga, kahit na ako ay sumulat sa inyo, ito ay hindi dahil sa isang gumawa ng pagkakamali ni alang-alang sa ginawan ng pagkakamali. Subalit sumulat ako sa inyo upang ang aming pagsusumigasig para sa inyo ay maging hayag sa inyo sa harap ng Diyos.
13 Dahil dito, lumakas ang aming kalooban dahil sa kalakasan ng inyong kalooban. Lalo kaming lubos na nagalak sa kagalakan ni Tito dahil napagpanibagong-sigla ninyong lahat ang kaniyang espiritu. 14 Ito ay sapagkat ipinagmalaki ko kayo sa kaniya at hindi ako napahiya. Ang lahat ng mga bagay na sinabi namin sa inyo ay totoo. Maging ang pagmamalaki ko sa inyo kay Tito ay totoo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International