Add parallel Print Page Options

17 Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago.

18 Lahat ng ito ay mula sa Diyos, na tayo'y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo[a] ng pakikipagkasundo.

19 Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili,[b] na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Corinto 5:18 o pangangasiwa .
  2. 2 Corinto 5:19 o ang Diyos ay na kay Cristo na pinagkasundo ang sanlibutan at ang kanyang sarili .