Add parallel Print Page Options

14 Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.

15 Sapagka't ang (A)lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na (B)pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios.

16 Kaya nga (C)hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't (D)ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

Read full chapter